SPiMC1999
 
Bakit ba kami umaakyat? Bakit ba kami nagpapakapagod na bumyahe ng pagkalayu-layo para lang sa sakit ng katawan? Bakit ba kami gumagastos para kinabukasan ay mahirapang pumasok sa opisina? Bakit nga ba?

Minsan sa gitna ng init ng araw at kawalang ng magpapaginhawang hangin, naiisip namin ang iba pang mga magagawa sa buhay; ibang bagay ng pwedeng paggugulan ng oras. Minsan sa haba ng iniaakyat o nilalakad, tumitigil nalang at nagiisip kung itutuloy pa ba o bababa nalang.

Unti unting naiibsan ang hirap kapag nagpapahinga sa gitna ng damuhan o kakahuyan at nakikipagkwentuhan sa mga kasama. Marami kang malalaman sa mga kasama mo na sa bundok mo lang makikita. Pero minsan, kahit anung pagpapasaya ng mga kasama mo ay pagod ka parin at pinagninilaynilay kung babaguhin nalang ang isip at maghahanap nalang ng ibang pagkakaabalahan sa susunod. 

Ngunit lahat ng mga agam-agam na ito ay napapawi kapag nakita na and nasa taas ng bundok; mga tanawing hindi mapapantayan ng kahit anung postcard o litrato. Kahit anung kwento ay hindi maipipinta ang ganda ng paligid. Sa dami ng mga lugar na aming napuntahan, sa dami ng mga hirap at tuwa na aming naranasan, mahirap isipin na may igaganda pa. Pero ika nga nila, “it just gets better and better!” 

Sa unang dalawang akyat ng SPiMC ngayong taon, binalikan namin ang mga lugar na dati na naming napuntahan. Nagsama kami ng mga baguhan at mga hindi pa nakakarating duon. Kahit na napuntahan na naming ang lugar na iyon, masasabi parin namin na marami kaming nakitang bago. Nagbabago ang bawat bundok sa bawat bisita namin. May nagiiba. At ang nadatnan naming sa Maculot at GB ay sadyang hindi malilimutan. Ang pagkaasul ng dagat na kitangkita mula sa tuktok at Rockies, and liwanag ng araw na napapalitan ng milyung-milyong bitwin sa gabi, ang linis ng hanging pagkalamig-lamig, yan ang hindi kayang makalimutan. 

Bukod sa kalikasang nagpapakita ng ganda ng mundo, iba rin ang pakiramdam ng may mga kasamang talagang nanjan sa hirap at ginhawa. Pag may nahihirapan,  pasapasa ng gamit para maiakyat lahat. Pag may nasaktan, todo alalay ang iba. Pag may nalimutan ang isa, maraming pwedeng magbigay o magpahiram. 

Sa bundok natin natalaga makikita ang tunay na ugali ng tao. Pag nagdadaan sa hirap, jan lumalabas ang tunay na pagkatao. Sa pagakyat namin sa iba’t-ibang lugar, marami kaming natutunan tungkol sa ibang tao at sa aming mga sarili. Hindi biro ang umakyat, kailangang magsimula muna sa madali para masanay ang katawan at mahasa para sa mag mahirap na bundok. Pero sa bawat bundok na aming natatahak, unti unti naming nakikita kung gaano kaganda ang mundo at gaano katibay ang aming pagsasama bilang isang grupo. 

Ang pagakyat ay hindi para sa lahat. Pero paanu mo malalaman kung hindi mo susubukan? Tara na! Subukan nating puntahan ang mga lugar na sadyang natatangi ang ganda! Kahit magisa ka lang, ok lang. Kasi dito sa SPiMC, walang OP. Lahat ay kaibigan! 



Leave a Reply.